KILALANIN ANG IYONG KARAPATAN: Ang Apat na Anyo ng Karahasan sa ilalim ng RA 9262
Karapatan mong mabuhay nang ligtas at may dignidad. ![]()
![]()
Sa ilalim ng RA 9262, kinikilala ang apat na anyo ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak: pisikal, sekswal, sikolohikal, at pang-ekonomiya. Hindi ito normal. Hindi ito dapat tiisin.
Kung ikaw o may kilala kang nakakaranas nito, magsalita at humingi ng tulong. May batas na handang magprotekta sa’yo.
Hindi ka nag-iisa. Ang VAWC Desk ay bukas 24/7 para sa bawat Marileñang nangangailangan ng proteksyon at payo. Ang inyong usapan ay mananatiling kumpidensyal.
#GADtoKnow#SafeSpacesMarilao#EndVAWC


