Alam mo ba ang apat na pangunahing karapatan ng batang Pilipino?

Alam mo ba ang apat na pangunahing karapatan ng batang Pilipino? 👧👦💜💗

Ang bawat bata ay may karapatan sa:

✔️ Kaligtasan (Survival)

✔️ Pag-unlad (Development)

✔️ Proteksyon (Protection)

✔️ Pakikilahok (Participation)

Mahalagang maitaguyod ang mga karapatang ito upang matiyak ang ligtas, malusog, at maayos na kinabukasan ng bawat bata.

Responsibilidad nating lahat na pangalagaan at igalang ang kanilang mga karapatan.

#GADtoKnow#SafeSpacesMarilao

KILALANIN ANG IYONG KARAPATAN: Ang Apat na Anyo ng Karahasan sa ilalim ng RA 9262

Karapatan mong mabuhay nang ligtas at may dignidad. 💜💗

Sa ilalim ng RA 9262, kinikilala ang apat na anyo ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak: pisikal, sekswal, sikolohikal, at pang-ekonomiya. Hindi ito normal. Hindi ito dapat tiisin.

Kung ikaw o may kilala kang nakakaranas nito, magsalita at humingi ng tulong. May batas na handang magprotekta sa’yo.

Hindi ka nag-iisa. Ang VAWC Desk ay bukas 24/7 para sa bawat Marileñang nangangailangan ng proteksyon at payo. Ang inyong usapan ay mananatiling kumpidensyal.

#GADtoKnow#SafeSpacesMarilao#EndVAWC

PABATID SA PUBLIKO


Alinsunod sa mga probisyong nasasaad sa Republic Act 12001 na mas kilala bilang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), ang Lalawigan ng Bulacan ay sasailalim sa pagbabago ng Market Values ng mga ari-ariang di-natitinag (Real Properties). Layunin ng aktibidad na ito na makabuo ng isang akma, napapanahon at tamang pagpapahalaga ng mga lupain sa buong lalawigan na siyang gagamitin din ng iba’t-ibang ahensya tulad ng Bureau of Internal Revenue, mga Bangko, mga Kooperatiba at ng lahat ng nangangailangan ng halaga ng lupain sa Bulacan. Ang mga panukalang pagbabago sa halaga ng mga lupain ay maaaring makita at masiyasat sa kasunod na pahina. Kasabay nito ang paanyaya ng pagdalo sa isang pampublikong pagdinig na gaganapin sa ika-26 ng Marso, 2026 sa Feliciano Convention Center, Feliza Jazz Grand Pavilion, Malolos Bulacan sa ganap na ika-1:00 ng hapon.

PROPOSED 2027 SCHEDULE OF MARKET VALUES

Click the button below to download the document.

Download PDF File