Solo Parents Week

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Marilao, sa pangunguna ni Mayor Jem Sy, sa pagdiriwang ng Solo Parents Week ngayong Abril 13–18, 2026!

“Hindi ka nag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent.”

Sa bawat solo parent, kayo ang tunay na bayani ng tahanan. Saludo kami sa inyong lakas, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal.

Mabuhay po kayo!

2025 ANNUAL INCOME TAX FILING AT PAYMENT

PAALALA: 9 ARAW NA LANG BAGO ANG DEADLINE NG 2025 ANNUAL INCOME TAX FILING AT PAYMENT

Marilenyos, ihanda na ang inyong Income Tax Return at mag-file at magbayad hanggang Abril 15, 2026 upang maiwasan ang rush o penalties.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa bir.gov.ph o sa pinakamalapit na BIR District Office.

FILE and Pay

The Bureau of Internal Revenue (BIR) is currently conducting its nationwide campaign for the 2026 Income Tax Filinf Season, reminding taxpayers to file and pay their 2025 Annual Income Tax Returns on or before April 15, 2026

Click the button below to download the document.

Download PDF File

Real Property Tax (Amilyar) Payment

PABATID

Real Property Tax (Amilyar) Payment

Ang huling araw ng pagbabayad ng Amilyar na walang penalty ay hanggang March 31, 2026 na lamang.

Siguraduhing makapagbayad sa takdang oras upang maiwasan ang karagdagang bayarin at multa.

Para sa ibang katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa:

Municipal Treasury Office

1/F Municipal Main Building, Municipal Compound, Brgy. Patubig

Monday-Friday | 8:00AM-5:00PM

0956 714 3202 | (044) 248 7456

ANUNSYO PARA SA MGA REHISTRADONG TODA!!!

Magkakaroon ng distribusyon ng tulong para sa mga kasaping TODA ayon sa sumusunod na iskedyul:

BAYAN AREA

Marso 27 – 1:00PM to 5:00PM

Constantino Covered Court, Poblacion 2

BUKID AREA

Marso 28 – 8:00AM to 5:00PM

Prenza National High School, Prenza 1

PAALALA: Para sa mga rehistradong TODA lamang ang aktibidad na ito. Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa pangulo o pamunuan ng inyong TODA.

NOTE: Base po ito sa masterlist ng ating BPLO, patungkol sa mga nag rehistro sa Bayan ng Marilao