Marilao, Bulacan | Photos
Photos
Post to feed:

Labor Day JOB-FAIR ng PESO at DOLE, matagumpay; higit sa 1,000 aplikante, nakipag-isa
Date posted: May 20, 2015
Description:
Aabot sa 80 iba't-ibang pribadong kompanya ang nagbigay ng oportunidad sa mga Marilenyo sa Labor Day Job Fair na isinagawa sa Event Center ng SM City Marilao. Aabot naman sa mahigit 1,000 Marilenyo ang nabigyan ng pag-asa na makahanap ng trabaho.
Pinangunahan ng Public Employment Service Office ang aktibidad katuwang ang Department of Labor and Employment, Brgy. Training and Employment Coordinators, at Provincial Youth Sports Employment and Development Office. (Mayo 1, 2015)