Mula sa isang pangarap, ngayon ay isa nang matayog na imprastraktura; Liwasang Pangkalikasan ng Marilao, magsisimula nang mag lingkod sa mamamayang Marilenyo.
Date posted: July 06, 2020
Post to feed:
Isang taon na ang lumipas mula ng manumpa sa panunungkulan si Mayor RS, kaakibat nito ang limang prayoridad na proyektong kanyang pinangarap para sa bayan ng Marilao. Isa na dito ang Liwasang Pangkalikasan ng Marilao na itinayo sa Barangay Prenza I. Ang liwasang ito ay hindi lamang isang parke na naglalaman ng halos lahat ng halamang gulay na maririg sa kantang bahay-kubo gayundin ang ilang tanim na prutas. Sa lugar na ito ay matatagpuan rin ang MRF or Materials Recovery Facility kung saan ang mga basura na malilikom mula sa sambahayang Marilenyo ay paghihiwa hiwalayin; ang mga nabubulok ay gagawing patabang lupa habang ang mga di naman nabubulok ay ipagbebenta. Ang mga basurang hindi nabubulok ngunit hindi na napakikinabangan ay ipoproseso upang maging tiles, paso at poste.
Kaugnay nito, paglahok at pakikiisa ang hangad ng Pamahalaang bayan ukol sa segregation ng basura upang maging matagumpay ang nasabing proyekto.