MarileNews

HIV Care Clinic ng Pamahalaang Bayan, accredited na ng DOH.
Date posted: October 23, 2018
Post to feed:
  
 

Sumailalim at nakapasa sa ‘regional validation’ ang HIV Care Clinic na isang bagong programa at pasilidad ng Municipal Health Office. Sinuri ni DOH Region 3 HIV Program Coordinator Joseph Michael Mantulac ang pasilidad base sa itinakdang pamantayan ng Department of Health. Ang HIV Care Clinic na matatagpuan sa Rural Health Unit sa barangay Patubig ay bukas para sa mga Marilenyong gustong mag-avail ng libreng screening ng HIV, Hepatitis B at C, syphilis at lahat ng iba pang konsultasyon na may kinalaman dito.