MarileNews

Buwan ng Kooperatiba, ipinagdiriwang sa Marilao.
Date posted: October 23, 2018
Post to feed:
  
 

Opisyal na binuksan ni Mayor Tito Santiago ang selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba sa Marilao na ginanap sa Municipal Atrium ng Bahay Pamahalaan. Ito ay bilang pakikiisa ng pamahalaang bayan ng Marilao sa pambansang selebrasyon ng ‘Buwan ng Kooperatiba’ ngayong Oktubre.


Iba’t ibang aktibidad ang isasagawa dito kaugnay ng pagdiriwang. Inumpisahan na ito sa isang Banal na Misa na idinaos sa Municipal Atrium na sinundan ng pamamahagi ng hygiene kit, medicines, at food supplies sa mahigit 400 inmates ng Marilao BJMP at Marilao PNP.


Nakilahok sa pagdiriwang ang mga kooperatiba sa Marilao na kasapi ng Municipal Cooperative Development Council na pinangunahan ng Municipal Cooperative Development Office sa ilatim ng pamamahala ni Municipal Cooperative Officer Jon Louie Santiago.