MarileNews

Marilao BPF, tumulong sa search and rescue operation sa mga biktima ng landslide sa Loakan, Benguet.
Date posted: October 23, 2018
Post to feed:
  
 

Tumulong sina Marilao Fire Marshall Jacky Ngina, Senior Fire Officer II Rolly Santos, Elbert del Carmen, at Ariel Repatacodo ng Marilao BFP at mga rescuer mula Meycauayan, Hagonoy, Pampanga, at Tarlac sa isinagawang search and retrieval operation na sinimulan pa noong Setyembre 19 hanggang 23 sa bayan ng Loakan, Benguet.


Sila ay kasama sa mahigit 300 kataong miyembro ng search and rescue mission team upang mahanap ang mga bangkay at mga survivors na natabunan ng gumuhong lupa na karamihan ay minero sa bayan ng Loakan, Benguet.


Ayon sa mga opisyal na namamahala sa search and rescue operation, umakyat na sa 34 na bilang ang nasawi sa nangyaring trahedya sa pagguho ng lupa sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong ‘Ompong’.