MarileNews

Sandbags na nakabara sa mga kanal, sanhi ng pagbaha sa Constantino Subdivision sa Poblacion 2.
Date posted: September 25, 2018
Post to feed:
  
 

Natagpuan sa isinagawang inspeksyon ng Pamahalaang Barangay ng Poblacion 2 ang mga sandbags at mga kahoy na nakabara sa ilang mga kanal na naging sanhi ng pagbaha sa Constantino Subdivision noong pang buwan ng Agosto. Sa pag-uulat ni Kapitan Rene Batongbacal kay Mayor Tito Santiago, ang mga nakabarang sandbags at mga kahoy ay pinaghihinalaang ‘intensyunal’ na inilagay sa hindi pa matukoy na dahilan. Nakatakda namang magsagawa ng Sangguniang Bayan Committee Hearing upang dinggin at gawan ng aksyon ang pangyayari.