MarileNews

Mahigit 60 Skills training beneficiaries, gradweyt na.
Date posted: September 25, 2018
Post to feed:
  
 

Ang 63 Marilenyong nagsipagtapos ay nagkaroon ng pormal na kasanayan sa baking, bread and pastry production, seal treatment and haircutting leading to hairdressìng, beauty care, at hairdressing. Tinanggap nila ang sertipiko ng pagsasanay mula TESDA na ipinagkaloob nina TESDA Provincial Director Grace Corazon Castillo, Vice Mayor Henry Lutao, Secretary to the Mayor Federico Santos, Konsehal Mark Guillermo; Ariel Amador; Arnold Papa: Divina Espiritu-Reyes; Luisa Silvestre at ABC President Lourdes San Andres. Ayon kay PESO Manager Miriam Balboa na siyang namahala sa programa, ang ipinagkaloob na pagsasanay ay nagmula sa kahilingan ng mga residente mula Heritage Homes sa Loma de Gato upang magkaroon sila ng karagdagang kabuhayan.