MarileNews

Problema sa baha sa ilang barangay, tinalakay sa patawag na pulong
Date posted: August 08, 2018
Post to feed:
  
 

Pinulong ni Mayor Tito sa pamamagitan ni Municipal Administrator Froilan Angeles ang 6 na punong barangay kasama ang ilang apektadong residente upang talakayin ang dahilan ng mga naganap na pagbaha sa Marilao nitong mga nakalipas na araw na idinaos sa SB Session Hall.

Nabanggit sa pulong na nais ng punong bayan na malaman at mapag-aralang mabuti kung gaano ka-epektibo ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang malunasan ang problema sa baha partikular sa barangay Nagbalon, Ibayo, Poblacion I, Poblacion II, Abangan Sur, at Abangan Norte. Ilan sa proyektong tinalakay ang river walling, dregging, karagdagang waterpump, rescue truck, at ang mga nasirang pilapil. (Hulyo 31, 2018)