MarileNews

Batang Marilenyo singer Alliyah Cadelina, pasok sa next round ng 'The Clash' ng GMA
Date posted: August 07, 2018
Post to feed:
  
 

Kinilala ng pamahalaang bayan si Alliyah Cadeliña, na grand finalist ng “Music Hero Vocal Battle” ng Eat Bulaga matapos makalusot sa susunod na round ng reality show na The Clash ng GMA. Sa kanyang naging awitin na ``flashlight`` na orihinal na kinanta ni Jessie J. napa bilib ng tinaguriang “Ace Belter ng Marilao” ang mga hurado kaya’t napili siya na makapasok sa susunod na round. Si Alliyah, ay matagal na ring kilala sa Marilao dahil sa palagiang pagtatanghal niya sa iba’t ibang aktibidad ng pamahalaang bayan. Mapapanuod ang ‘The Clash’ tuwing Sabado at Linggo ganap na 7:30 ng gabi sa GMA. (Hulyo 29, 2018)