MarileNews

Social Protection Family Risk and Vulnerability Assessment, itinuro
Date posted: August 07, 2018
Post to feed:
  
 

Malawakang ipinaunawa ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Marilao DILG ang kahalagahan ng pagtukoy sa kahinaan at kalakasan ng bawat pamilya sa aspeto ng kaligtasan at seguridad, pagbabudget sa tahanan, income opportunities at adabtability sa isinagawang Social Protection Family Risk and Vulnerability Assessment na isinagawa sa SB Session Hall. Ang naturang training, na dinaluhan ng mga mother leaders, Iingkod lingap sa nayon, barangay health workers, at lingkod populasyon sa nayon ng bawat barangay, ay may layong tulungang maproteksyunan ang bawat pamilya sa anumang peligro o pagsubok sa buhay, partikular na ang pinansiyal na bahagi nito. (Hulyo 27, 2018)