MarileNews

Bagong school building sa dalawang pampublikong paaralan, pinasinayaan
Date posted: August 08, 2018
Post to feed:
  
 

Bubuksan na ngayong taon ang bagong school building sa Sta. Rosa 2 Elementary School at Maniac Trade School bilang dagdag silid-aralan sa lumalaking populasyon ng mga mag-aaral sa Marilao. Ang bagong 2 storey-school building sa Sta. Rosa 2 Elementary School ay may 8 classrooms habang ang 4 storey-school building sa Marilao Trade School naman ay mayroong 24 na classrooms na maaarìng gamitin ng mahigit sa 4,000 elementary at high school students ng nabanggit na paaralan.


Ang school building sa Sta. Rosa 2 Elementary School ay naitayo sa kabutihang loob ng pamilya-Tan, ang nagmamay-ari ng 3M Philippines Holding and Development Corporation at sa Marilao Trade School naman ay sa kabutihang loob ni William o ‘Willy’ Villarica na magkaparehong nagkaloob ng donasyon na lupa sa 2 paaralan. (Hulyo 26, 2018)