MarileNews

400 Out-of-School Youth, nagtapos sa ALS
Date posted: August 07, 2018
Post to feed:
  
 

Kabuuang 486 na mga estudyante ng Alternative Learning System o ALS ng Department of Education ang nagsipagtapos sa ‘ika 9 na Taunang Pagtatapos’ na ginanap sa Municipal Atrium. Karamihan sa nagsipagtapos sa ALS ay mga out-of-school youth habang ang 20 dito ay mga inmates mula Marilao Jail na kabilang sa batch 2016 at 2017. Tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang diploma at certificates na iniabot nina Mayor Tito Santiago, Vice Mayor Henry Lutao at Sanggunian Bayan members, DepEd Provincial Superintendent Dr. Zenia Mostoles, at Dr. Jonar David at Dr. Priscila Iliscupidez mula Maniac DepEd. (Hulyo 26, 2018)