MarileNews

Mga Bagong Halal na Punong Barangay, nanumpa na sa tungkulin
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Pormal nang nanumpa ang 16 na bagong halal na Punong Barangay sa Marilao sa harap ni Mayor Tito Santiago na sinaksihan nina Vice Mayor Henry Lutao at mga kasangguni ng Sangguniang Bayan, at Marilao DILG Officer Digna Enriquez na isinagawa sa tanggapan ng Punong Bayan. Magsisimula ang kanilang paglilingkod sa kani-kanilang barangay ngayong unang linggo ng Hulyo pagkatapos na maisagawa ng pamahalaang bayan, Commission on Audit, at DILG ang ‘formal inventory and turn-over of assets’ ng mga barangay.