MarileNews

KALIKASAN: Environment Day Forum sa Marilao, Idinaos
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang isang ‘environment forum’ kasama ang 60 kinatawan mula sa iba’t ibang pribadong industriya ng poultry, food manufacturing, recycling, at small & medium scale industries na idinaos sa Pambayang Dalubhasaan ng Marilao. Naging tampok sa forum ang pagbuo ng inisyal na plano upang masolusyunan ang suliranin sa kapaligiran partikular sa polusyon sa tubig at hangin. Nagbigay naman ng kaalaman sina MetroClean Incorporated representative Arnold Malabug, Robert Cavarlez, at Fouzi Yunos tungkol sa ‘waste water.’ Sa mensahe ni Mayor Tito, nilinaw niya na isa sa prayoridad ng pamahalaang bayan ang pangangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon at mga kabataang Marilenyo.