MarileNews

Dengue Prevention and Awareness sa mga pampublikong paaralan, inilunsad
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Dalawang araw na naglunsad ang Municipal Health Office katuwang ang Provincial Health Office ng dengue surveillance sa iba’t ibang pampublikong elementarya at sekondarya sa Marilao. Ayon kay Sanitary Inspector Chief Evelyn San Miguel, ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa Marilao at maipaalala sa mga mag-aaral kung paano maiiwasan ang sakit na dengue sa pamamagitan ng `4S Laban Sa Lamok` Search and Destroy Operation, Seek early consultation, Self-protection, at Say No to indiscriminate fogging.