MarileNews

Mahigit 1 Libong Batang Marilenyo Bags, ipinamahagi
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Personal na naipamahagi ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng Batang Marilenyo Coordinating Center ang 1,050 batang Marilenyo school bags sa 21 na pampublikong elementarya sa Marilao. Ang mga kabataang nakatanggap ay masusing pinili ng mga punong guro mula sa iba’t ibang pampublikong elementarya upang matiyak na ang mga nangangailangan ang makikinabang sa proyekto. Layunin rin ng pamamahagi na maipalaganap ang mga programa at proyekto para sa mga `Batang Marilenyo.`