MarileNews

Marilao Community Youth Band, nagtanghal sa `Concert at the Park` sa Maynila
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Nagdaos ang Marilao Community Youth Band ng konsyerto na isinagawa sa Rizal Park Open Auditorium sa Ermita, Manila. Sa tulong ni musical director at isa sa tagapagtaguyod ng banda na si Michael Jacinto ay nagkaroon ng malaking exposure ang banda na sinabayan ng mga awitin ni Katrina Sunga. Sinaksihan ang pagtatanghal nina Mayor Tito Santiago at Unang Ginang Lumen Santiago kasama ang Marilao Tourism Council at mga magulang ng mga bata upang magbigay suporta. Ang ‘Concert at the Park’ na kinilala bilang Catholic Mass Media Hall of Fame Award for Best Cultural Program ay isa sa mga sentro ng kultural na pagtatanghal sa bansa na nagbibigay tampok sa mga talento mula sa iba’t ibang panig ng bansa.