MarileNews

Mahigit 70 sako ng Certified Seeds, Ipinamahagi sa mga magsasaka
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Umabot sa 29 na magsasaka ang tumanggap ng 71 sako ng certified seeds na ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office. Nabili ng mga benepisaryong magsasaka ang bawat isang sako ng RC-216 at RC-160 palay seeds na may 50 porsyentong diskwento. Sa regular na presyong P1,400 kada sako, P700 ang ibinayad ng magsasaka sa Municipal Agriculture Office at sinagot naman ng pamahalaang bayan ang kalahati. Ayon kay Municipal Agriculturist Hilario Francisco, malaking benepisyo ang programang ito dahil bukod sa natipid na halaga ay nakatitiyak ang mga magtatanim ng palay sa kalidad ng nabiling binhi. Kaya umanong magbigay ng 15-20 porsyentong karagdagang ani ang nasabing mga certified seeds.