MarileNews

Ika-120 na Araw Ng Kalayaan ng Pilipinas, ginunita kasabay ng panunumpa ng mga Bagong Halal na manunungkulan sa Barangay
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Makulay na ginunita ng bayan ng Marilao kasama ang iba’t ibang samahan ang mahalagang pambansang selebrasyon kasabay ng sabayang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay na isinagawa sa Pambayang Dalubhasaan ng Marilao. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas kasabay ng pagkilala sa mahigit 500 kataong dumalo sa pagtitipon. Nagbigay ng makabayang awitin sina Ryan Tamondong at Nerriah Soriano sa saliw ng iba’t ibang tugtugin na ipinamalas ng Marilao Community Youth Band, at sayaw mula sa Nitrous Image Crew. Ipinakilala naman ni Municipal Administrator Froilan Angeles ang panauhing pandangal sa katauhan ni dating-Mayor Epifanio Guillermo. Pagkatapos ng talumpati at mahalagang mensahe mula kay Mayor Tito Santiago ay pormal ng nanumpa ang mga bagong halal na Barangay Kagawad, SK Chairman, at SK Kagawad ng 16 na barangay sa Marilao.