MarileNews

Mga Maggugulay sa Marilao, tumanggap ng Plastic Mulch
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Tumanggap ang 21 piling maggugulay sa Marilao ng plastic mulch na ipinagkaloob ng Municipal Agriculture Office. Ayon kay Municipal Agriculturist Hilario Francisco, ang natanggap na plastic mulch ay magagamit ng mga maggugulay upang hindi tubuan ng damo ang pananiman at maprotektahan ang kanilang pananim lalo’t umpisa na ng tag-ulan. Isinagawa ang pamamahagi sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office.