MarileNews

100 Marilenyo, tumanggap ng Pangkabuhayan Package
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Nagpamahagi ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office ng iba’t ibang pangkabuhayan package na isinagawa sa Municipal Atrium. Magsisilbing panimulang puhunan ng mga benepisaryo ang natanggap na package upang makapagsimula ng hanapbuhay. Umabot sa P500,000 ang halaga ng mga naipamahagi sa naturang programa na may kasamang pagsasanay sa entrepreneurship development na ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment.