MarileNews

Seminar on Handling of Children in Crisis, itinuro sa mga Guro sa Marilao
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Mahigit sa 50 guidance counselors at guro mula pampublikong paaralan sa Marilao ang 3 araw na tinuruan ng tamang paggabay sa mga kabataang nasa krisis na isinagawa sa Terrace Hotel, Subic Bay, Zambales. Sa tulong ng Batang Marilenyo Coordinating Center at Municipal Council for the Protection of Children ay magkakaroon ang mga dumalo ng karagdagang kasanayan sa pangangalaga ng mga bata. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Tito Santiago sa mga guro na siya ring itinalagang Batang Marilenyo focal person ng kani-kanilang paaralan dahil sa paglalaan ng oras at suporta sa pamahalaang bayan sa mga programa para sa mga batang Marilenyo.