MarileNews

Mga nagsipagwagi sa kauna-unahang `Cinemarilenyo`, Kinilala
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Humakot ng 9 na parangal ang short film entry na “Relo” ng Edge Production matapos ang awarding ceremony na isinagawa sa Municipal Atrium. Kabilang sa mga nakamit na parangal nito ay ang Second Best Picture, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Director,  Best Original Story, Best Editing, Best Make-up, Best Movie Trailer at Best Movie Poster. Itinanghal namang Special Jury Prize, Best Actor, Best Production Design at Best Musical Scoring ang short film entry na “Talulot” ng EAB Productions samantalang itinanghal na Best Picture, Best Cinematography at Best Screenplay ang “Panauhin” ng Zendoma Productions gayundin ang “Tula ng Pag-ibig” ng The Genesis Production na nagkamit ng Viewer’s Choice at Best Supporting Actress award. Pinangunahan naman nina Mayor Tito Santiago, Unang Ginang Lumen Santiago, Konsehal Willie Diaz, Konsehala Luisa Silvestre at Marilao Arts Culture and Tourism Council ang nasabing awarding.