MarileNews

Mahigit 500 Libong Pisong Pondo Mula Sa DOLE, Ipinagkaloob Sa 100 benepisaryo ng Pangkabuhayan Ko, Handog Ng Tito Ko Program
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Ipinagkaloob na ang tinatayang P500,000 halaga ng pangkabuhayan package mula sa laang pondo ng Department of Labor and Employment Office  para sa humigit kumulang 100 benepisaryo ng Pangkabuhayan Ko, Handog ng Tito Ko program. Pinangunahan ito ni DOLE officer Myline Gozon at ilang kawani ng nasabing ahensya kasabay ng pagdaraos ng Job Fair sa Marilao Convention Center.