MarileNews

Malawakang Job Fair, matagumpay na ginanap
Date posted: July 27, 2018
Post to feed:
  
 

Mahigit sa walong-daang job seekers ang lumahok sa isinagawang job fair ng Public Employment Service Office katuwang ang Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry Bulacan na isinagawa sa Marilao Convention Center. Mahigit 1,854 job vacancies ang binuksan para sa mga job seekers ng mahigit 39 na kompanyang nakilahok sa naturang job fair na kung saan 307 ang hired on-the-spot. Dinaluhan ito nina Bulacan DOLE officer Myline Gozon at DTI acting provincial director Zorina Aldana. Nagmistula rin itong one-stop shop job fair dahil sa pakikiisa ng ilang government agencies tulad ng SSS, TESDA, Pag-Ibig, at PhilHealth.