MarileNews

ISO Certification, target ng Pamahalaang Bayan
Date posted: January 25, 2018
Post to feed:
  
 

Target ng Pamahalaang Bayan ng Marilao na makamit ang International Organization for Standardization (ISO 9001: 2015) Quality Management Systems, matapos na magdaos ng dalawang araw na orientation seminar sa ISO 9001: 2015 na ginanap sa Subic Grand Harbour Hotel, Subic Bay, Zambales. Pitong tanggapan ang ninanais ng pamahalaang bayan na isailalim sa ISO certification kabilang ang Business Permit ang Licensing Office, Municipal Engineering Office, Human Resource Management Office, Budget Office, Accounting and Internal Audit Services Office, Assessors Office, at Municipal Planning and Development Office. Ayon kay Quality Management Representative at resource person, Beth Pulvinar, ang ISO certification ay gumagarantiya sa mas epektibong pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaang bayan at pagkakaroon ng “international recognition.”