MarileNews

Cooperative Officer ng Marilao, kinilala sa buong rehiyon
Date posted: January 25, 2018
Post to feed:
  
 

Kinilala ng Cooperative Development Authority o CDA Region 3 si Municipal Cooperative Officer Jon Louie Santiago bilang “Best Performing Local Government Unit, Cooperative Development Officer, Municipal Level” sa buong rehiyon sa katatapos na CDA Gawad Parangal 2017 na isinagawa sa Royce Hotel and Casino, Clark, Pampanga. Kasama sa mga tumanggap si Mayor Tito Santiago, Unang-Ginang Lumen Santiago, mga kawani ng Municipal Cooperative Development Office, at mga opisyal ng Municipal Cooperative Development Council na tumanggap din ng special citation bilang “Best Advocacy Development Mechanisms to Mainstream.”