MarileNews
Post to feed:
twitter  

Marilenyo Access Card Program, pinirmahan na kasama ang mga partner establishments
Date posted: January 24, 2018

Isinagawa ang pagpirma ng Memorandum of Undertaking nila Mayor Tito Santiago at Vice Mayor Henry Lutao kasama ang mga partner establishments mula Gerry’s Grill, Classic Savory, Kitaro, Wendy’s, Max’s Restaurant, Solace Asia Spa, ACE Medical Center Valenzuela, at Seafood Island. Ang Marilenyo Access Card Program o mas kilala sa tawag na MACARD ay karagdagang benepisyo na nakapaloob sa isang “card” na ipapamahagi ng pamahalaang bayan matapos na maisumite ang aplikasyon. Ang benepisyong ito ay para magkaroon ng diskwento ang mga Marilenyo sa iba’t ibang establisyemento at sistema sa serbisyo at iba pang mga programa na ibinibigay ng pamahalaang bayan. Sinaksihan din ito ng mga kasangguni ng Sangguniang Bayan at mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaang bayan na isinagawa sa SB Session Hall.