MarileNews

Mayor Tito, Regional Winner sa 2017 Pagasa Awards Ng CSC
Date posted: January 24, 2018
Post to feed:
  
 

Sa ikalawang pagkakataon, muling ipinagkaloob ni Civil Service Commission Regional Director Nelson Sarmiento ang “Mark of Excellence” 2017 PAGASA Regional Winner Individual Category kay Mayor Tito Santiago kasama si Unang Ginang Lumen Santiago sa ginanap na 2017 Honor Awards Program Recognition Rites ng CSC Region 3 na idinaos sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga. Ang pagkilala ay bunsod sa “outstanding performance” ni Mayor Tito Santiago kasama ang buong pamahalaang bayan na nagresulta sa mataas na antas na paglilingkod sa mamamayan. Kaugnay nito, tinanggap din ni Mayor Tito Santiago ang sertipiko ng pagkilala mula CSC Region 3 bilang pasasalamat sa suporta at kontribusyon ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa mga programa, aktibidad, at proyekto ng ahensya.