MarileNews

Mahigit 40 Drug Surrenderee, nagtapos sa Bagong Bayanihan Program
Date posted: January 24, 2018
Post to feed:
  
 

Apatnapu’t dalawang drug surrenderees ang nagsipagtapos matapos sumailalim sa rehabilitation program ng pamahalaang bayan na isinagawa sa Municipal Atrium. Panauhing tagapagsalita sa pagtatapos si Presidential Legislative Liaison Maria Teressa Marques mula Malacanan Palace. Kasama sa mga sumaksi sina Mayor Tito Santiago, Vice Mayor Henry Lutao, Konsehala Luisa Silvestre, Konsehal Ariel Amador, Municipal Administrator Froilan Angeles, at Marilao PNP. Karagdagan dito, hindi lamang ito natatapos sa pagbibigay ng certificate sa mga nagsipagtapos na mga sumuko dahil tutulungan din sila ng pamahalaang bayan ng Marilao na magkaroon ng oportunidad sa pamamagitan ng “aftercare program” kagaya ng libreng livelihood skills training, pangkabuhayan program, at cash-for-work program.