MarileNews
Post to feed:
twitter  

Marilao, Rank 15 bilang Most Competitive Municipality sa bansa
Date posted: June 15, 2017

Iginawad ng National Competitiveness Council Philippines at Regional Development Council – Special Committee on Competitiveness sa Pamahalaang Bayan ng Marilao ang ika-15 na puwesto bilang Most Competitive Municipality sa 1,489 munisipalidad  sa buong bansa. Sinuri sa nasabing parangal ang mga lokal na pamahalaan sa tatlong aspeto; economic dynamism, government efficiency at infrastructure. Iginawad ang parangal noong Nobyembre 16, 2016 sa Regional Convention of BPLO’s na ginanap sa San Fernando City, Pampanga.