MarileNews

Problema sa kakulangan ng suplay ng tubig, sinosolusyunan na
Date posted: January 19, 2018
Post to feed:
  
 

Bumisita si Mayor Tito Santiago upang alamin ang kasalukuyang estado ng itinatayong filtration plant ng San Miguel Corporation sa lungsod ng San Jose Del Monte. Ipinaliwanag ni Bulacan Bulk Water Supply Project Manager Alberto Bontoc ng San Miguel Corporation na ang complex facility sa San Jose del Monte City ay may kabuuang sukat na 5.5 ektarya at may ibat-ibang pasilidad sa suplay ng tubig. Tinatayang labingtatlong munisipalidad at lungsod ang masusuplayan kung sakali man na matatapos ang proyekto na pangangasiwaan ng San Miguel Corporation. Tinatayang matatapos ang ground laying ngayong buwan ng Mayo at sa taong 2018 naman ang buong pasilidad.