MarileNews
Post to feed:
twitter  

Mahigit 100 na marilenyo, tumanggap ng Pangkabuhayan package
Date posted: June 01, 2017

Tumanggap ang 103 na Marilenyo na benepisaryo ng programang Pangkabuhayan Ko, Handog ng Tito Ko sa tulong ng Department of Labor and Employment. Ito ay panimulang puhunan ng mga benepisaryo upang makapagsimula ng kanilang pagkakakitaan. Ayon kay PESO Manager Balboa ang programa ay bukas sa lahat ng Marilenyong nais magkaroon ng kabuhayan, magsadya lamang sa tanggapan ng Public Employment Service Office upang maka-avail sa programa.