MarileNews
Post to feed:
twitter  

Seal of Good Local Governance 2015
Date posted: March 15, 2017

Ginawaran ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Director Florida Dijan ang pamahalaang Bayan ng Marilao ng “Seal of Good Local Governance 2015” na siyang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan sa bansa noong Nobyembre 28, 2016 sa Fontana Convention Center, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ang plake ay tinanggap ni Mayor Juanito Santiago kasama ang kaniyang unang-ginang Lumen Santiago. Sinabi ni Mayor Juanito Santiago na nakapasa ang lungsod sa limang pamantayan ng DILG mula sa kanilang ebalwasyon sa iba’t ibang area of governance kasama  dito ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Business-Friendliness & Competitiveness, Peace & Order at Environmental Management.

Taong 2012 pa nang huling tumanggap ang Marilao ng pagkilala mula DILG sa panunungkulan ng noon ay punong bayan Epifanio Guillermo na kilala bilang Seal of Good Housekeeping award.