MarileNews
Post to feed:
twitter  

Pagpapagawa ng Pambayang Libingan, sinimulan na
Date posted: March 16, 2017

Sinimulan na ng Municipal Engineering Office ang pagpapatambak at pagpapatag sa 12,498 metro kwadradong lupa para sa ipinapagawang Pambayang Libingan na matatagpuan sa Ysmael Village, Barangay Sta. Rosa I.

 

Kasama din sa proyekto ang pagpapagawang Multi-Purpose Hall at Administration Office upang maayos ang mapamahalaan ang ginagawang libingan. Kayang umokupa ang pambayang libingan ng 6,235 na pwesto ng libingan. Sa napagkasunduan ng mga namamahala, hindi papayagan ang reservation sa pambayang libingan at bibigyan prayoridad nito ang mga nangangailangan lamang.

 

Isa ito sa malaking proyekto ni Mayor Juanito “Tito” Santiago sa kadahilanang napakaliit na ng mga pampublikong sementeryo sa barangay  Poblacion at Abangan Sur. Ayon kay Mayor Tito, madalas ito ang nagiging kahilingan ng mga Marilenyong hirap sa buhay na bumibisita sa kaniyang tanggapan dahil sa kakapusang pinansyal na makapagbayad sa paglilibingan