MarileNews
Post to feed:
twitter  

Marilao Ecology Center, tumanggap ng Shredder at Composting Machine
Date posted: February 28, 2017

Ipinagkaloob sa Pamahalaang Bayan ng Marilao ang tig-isang composting machine at shredder mula sa tanggapan ni Senator Cynthia Villar at ng Bureau of Soils and Water Management upang mapataas ang produksyon ng organikong lupa sa bayan.

 

Ang composting at shredder machine ay may mahalagang ginagampanan sa Ecology Center dahil ang makinang ito ay may kakayahan na mapiraso at matilad ang mga nakolektang basura na makapagpapabilis sa produksyon ng organikong lupa. Ang organikong lupa na nanggaling sa basurang nakolekta ng Marilao Ecology Center ang siyang ginagamit sa ilang mga gulayan at halamanan sa bayan.

 

Ayon kay Alberto del Carmen, Officer in-Charge ng Ecology Center, ang isang simpleng basura sa bawat kabahayan ay napakaraming benepisyo na maaaring makukuha. Ang mga basurang na bubulok ay dapat pino-proseso para maging pataba sa lupa. Sa pagdating ng dalawang makina, makagagawa ng isang toneladang organikong lupa kada lingo at makapagsusuplay ng karagdagang patabasa mga nagtatanimng gulay at ornamental plants sa bayan.