MarileNews
Post to feed:
twitter  

Dredging kontra-baha, sinimulan na
Date posted: February 28, 2017

Kasalukuyan ng ginagamita ng amphibious excavator sa Tabon Creek, Barangay Nagbalon na kagamitan mula DPWH upang makaiwas sa pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan.

 

Ito ay matapos bisitahin ni Mayor Juanito "Tito" Santiago ang dredging equipment kasama si Vice Mayor Henry Lutao, Konsehal Ariel Amador nasiyang SB Chairman ng Public Works and Infrastructure, Konsehal Arnold Papa, Konsehal Deby Reyes, Konsehal Luisa Silvestre, Engineer Mat San Miguel, at MPDC Boyet Pascual.

 

Sa pagbisita ng DPWH sa ilog ng Marilao, napansin na ito ay silted at hindi na maayos ang pagdaloy ng tubig. Dredging ang nakitang solusyon ng tanggapan upang bumilis ang pagbaba ng tubig mula sa ilog. Magsasagawa din ng widening sa kahabaan ng ilog upang hindi ito agarang umapaw.

 

Ayon kay Engineer Frank Delan mula DPWH Region III Bureau of Equipments, ang dredger ay nagmula sa kanilang tanggapan sa tulong ni Congresswoman Linabelle Villarica. May kakayahan ang excavator na lumutang sa tubig at kayang humukay ng apat na metro. Dagdag pa ni Engineer Delan, ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng dredging sa Tabon Creek at maraming residente ang nasiyahan sa pagdating ng equipment.