MarileNews
Post to feed:
twitter  

Karagdagang silid-aralan
Date posted: February 28, 2017

<div>Madadagdagan na ng 48 silid-aralan ang Assemblywoman Felecita G. Bernardino Memorial Trade School sa oras na matapos ang 2 bagong gusaling ipinatatayo ng Pamahalaang Bayan ng Marilao, DepEd at DPWH at ilang pribadong indibidwal at tanggapan.</div><div><br></div><div>Inaasahang mapapakinabangan ang mga imprastraktura sa darating na Hunyo, kasabay ng pagbubukas ng Senior High School sa ilalim ng K-12 Progam ng DepEd, kung saan tinatayang 900 mag-aaral ang madaragdag sa kasalukuyang 6,000 populasyon na mga mag-aaral sa nasabing paaralan.</div>