MarileNews

Safety Seal Certification, ipinagkaloob sa SM City Marilao
Date posted: May 19, 2021
Post to feed:
  
 

Ito ay matapos na makasunod ang SM City Marilao sa pamantayan mula sa Joint Memorandum Circular No. 2021-001 na nilagdaan ng Kagawaran ng Turismo gayundin ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Sa memorandum na ito matatagpuan ang mga health and safety standards na sinusunod ng SM City Marilao tulad ng mahigpit na pag-gamit ng face shield at face mask hindi lamang ng mga mamimili kundi pati na rin ang bawat empleyado; Mayroon ding body temperature check, pag pagpaparehistro at pag log-in sa contact tracing applications, cashless transaction, 1 metro o higit pang distansya sa ibang tao at iba pa upang tiyakin na ligtas sa COVID-19 ang lahat ng papasok sa nasabing Mall. 

Sa pangunguna ni Pambayang Tagapangasiwa, Wilfredo Diaz na kumatawan sa Punong Bayan kasama si Pambayang Pinuno sa Pagpapahintulot at Paglilisensya ng Negosyo, Martin Armando Cruz, inihandog ng Pamahalaang Bayan ang Safety Seal Certification na tinanggap ni Assistant Mall Manager, Engr. Janette Aguilera ng SM City Marilao na agarang ikinabit sa ilang gusali nito.