MarileNews

Bakuna kontra Tigdas, Rubella at Polio, sinimulan na sa Marilao
Date posted: March 01, 2021
Post to feed:
  
 

Bara-barangay na nag-iikot ngayon ang ilang kawani mula sa Rural Health Unit ng pamahalaang Bayan katuwang ang mga Barangay Health Workers upang isa isang bigyan ng bakuna ang lahat ng mga bata mula 0 hanggang 5 years old. Ang aktibidad na pinamagatang “Chikiting Ligtas” ay dagdag na bakuna kontra rubella, tigdas at polio na lumalaganap ngayon sa ating bansa kung kaya’t kailangan nang maging maagap at bigyang paunang lunas ang bawat batang marilenyo. Ang ilan sa mga pagbabakuna na ito ay dinaluhan ni 4th district Board Member Alex Castro.  

Ang aktibidad na ito ay isinasagawa ngayong buong buwan ng Pebrero. Hintayin lamang ang lokal na health workers sa inyong mga barangay para sa karagdagang impormasyon.