MarileNews

Mahigit 71,000 na Pamilyang Marilenyo, tumanggap ng Relief Packs ngayong pandemya.
Date posted: June 29, 2020
Post to feed:
  
 

Inabot ng 7 waves ang napamahaging relief goods ng Pamahalaang Bayan para sa lahat ng Marilenyong naapektuhan ng krisis na COVID-19. Sa pitong beses na pamamahagi, samu't saring pantawid gutom ang nilalaman ng relief packs tulad ng 5 kilong bigas, 1 kilong manok, ilang canned goods, noodles, itlog, gulay at marami pa. Katuwang din dito ang bawat Punong Barangay sa Marilao na nagdaragdag ng sarili nilang relief packs para sa kanilang nasasakupan.
Kasama ring nagbigay tulong para sa ika-7 pamamahagi ng relief packs ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando.
Kasunod nito, tumanggap naman ng bitamina ang mga mag aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marilao. Nagkaroon rin ng bitamina at biskwit para sa mga senior citizens.