MarileNews

Mga negosyong nagbukas ngayong GCQ, binisita ng Pamahalaang Bayan para sa pagpapatupad ng Safety Protocol kontra COVID-19
Date posted: June 19, 2020
Post to feed:
  
 

Muling nag bukas ang mga negosyo sa Marilao dahil ito ay nasa ilalim nang GCQ o General Community Quarantine kung kaya’t sinimulan na ng Joint Inspection Team o JIT sa Pamahalaang Bayan ang pag- iinspeksyon sa mga ito upang malaman kung ang nasabing establisyemento ay ligtas sa COVID-19. Sa pangunguna nina Pambayang Pinuno sa Pagpapahintulot at Paglilisensya ng Negosyo, Martin Armando Cruz, Engr. Reynaldo Buenaventura, Police Staff Sergeant Marvin Mijares at Evelyn San Miguel mula Rural Health Unit 1, ang mga pabrikang nasuri na ay mahigpit na sumusunod sa mga guidelines mula sa Department of Trade and Industry o DTI at Department of Labor and Employment o DOLE. 

Nakapaloob sa guidelines na ito ang regular na pag-susuot ng face mask at pagtatala ng temperatura ng bawat kawani. Kasama rin dito ay palagiang pag di-disinfect ng mga kagamitan at pagkakaroon ng designated area kung sakaling ang isang kawani ay makakaramdam ng sintomas, pinagsususpetsahan o positibo sa COVID-19.