MarileNews

Mahigit 30 Marilenyong Overseas Filipino Worker at mga na-stranded sa ibang probinsya, tinulungan ng Pamahalaang Bayan
Date posted: June 02, 2020
Post to feed:
  
 

Sa tulong ng Pamahalaang Bayan, 27 Marilenyo ang ligtas na nakabalik sa kanilang pamilya. Pinangunahan ng Pambayang Seksyon ng Pagbabawas ng Panganib at Pamamahala ng Sakuna at Pambayang Seksyon ng Serbisyong Pampublikong Empleo ang pag sundo sa mga ito gayun din ang paninigurado na sila ay well disinfected. Ang mga Overseas Filipino Workers o OFW ay sumailalim muna sa swab test upang masigurado na negatibo ang kanilang resulta bago pahintulutang makabalik sa ating bayan. Ang mga ito ay sinundo sa mga designated pick-up points at agad na dinala sa Marilao Special Care Facility upang ma-screen at bigyan ng clearance na nagsasaad na ang mga balikbayan ay ligtas sa COVID-19. 

Ilan pa lamang ito sa marami pang Marilenyong uuwi sa kanilang mga pamilya ng ligtas sa tulong ng Pamahalaang Bayan.