100 Marilenyo, tumanggap ng pangkabuhayan package
Date posted: June 01, 2020
Post to feed:
Nagpamahagi ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Seksyon ng Serbisyong Pampublikong Empleo o PESO ng iba’t ibang pangkabuhayan package na inihatid sa 16 na Barangay. Kalahati sa bilang na ito ay nakatanggap ng sari-sari store goods habang ang iba naman ay para sa bigasan, carinderia at marami pang iba.
Magsisilbing panimulang puhunan ng mga benepisaryo ang natanggap na package upang makapagsimula ng hanapbuhay ngayong panahon ng pandemya. Umabot sa P500,000 ang halaga ng mga naipamahagi sa naturang programa na ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan.