Tulong sa mga Marilenyong magsasaka, ipinagkaloob ng Department of Agriculture Region 3
Date posted: May 22, 2020
Post to feed:
Tinanggap ng 59 na Marilenyong magsasaka ang tig-5,000 pesos mula sa programa ng Department of Agriculture Region III sa pamumuno ni Provincial Agriculturist, Gloria Carrillo. Ang mga magsasakang Marilenyo na ito ay nakarehistro sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture na mayroong sakahang may sukat mula isang ektarya pababa. Sa tulong ng Punong Bayan, Ricardo Silvestre at Pambayang Agrikulturista, Hilario Francisco, nakarating ang ating mga kababayan sa Land Bank Meycauayan at natanggap ang kanilang financial assistance na makatutulong ngayong panahon ng pandemya.