MarileNews

National Grid Corporation, bumisita kay Mayor RS.
Date posted: August 09, 2019
Post to feed:
  
 

Humarap sa pulong kasama ng Punong Bayan ang NGCP Bridging Power & Progress upang imungkahi ang proyektong pagtatayo ng isang 500 kilo Volt Substation sa pagitan ng Prenza at Loma de Gato. Layon ng NGCP na maghatid ng bagong tower na magiging matibay na pundasyon sa mahigit 44 na probinsyang sineserbisyuhan nito.

Kasamang dumalo sa pulong sina Assistant Engineer Bienvenido Marquez, Municipal Assessor Marcos Santos at Municipal Administrator Wilfredo Diaz. Ang nasabing proyekto ay naglalayong maumpisahan sa taong 2020.