MarileNews

Ramdam na serbisyo, tututukan ni Mayor RS
Date posted: July 05, 2019
Post to feed:
  
 

Prayoridad ni Marilao Mayor Ricky Silvestre na magkaroon ng ramdam na serbisyo sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.

 

Ito ang sinabi ni Mayor Ricky makaraang manumpa bilang bagong alkalde sa bayan ng Marilao sa harap ni Municipal Trial Court Judge Vanessa Agawin. Binanggit niya na sa loob ng kaniyang panunungkulan ay tututukan niya ang lima na pangunahing pangangailangan ng bayan tulad ng maayos na kalusugan, mahusay na edukasyon, at pagpapatupad ng epektibong solusyon sa pinakamabigat na problema ng ating bayan –basura, baha at kakulangan sa abot kayang pabahay.

 

“Kung ang pondong ito ay gagamitin para sa mga proyektong tunay na kapaki-pakinabang sa ating mga mamamayan, abot-kamay natin ang tagumpay,” pahayag ni Silvestre.

 

Kasama rin sa prayoridad ni Mayor Ricky ang pagkakaroon ng epektibong pamamaraan sa problema sa trapiko, karagdagang CCTV cameras upang makatulong sa pagsugpo sa kriminalidad, karagdagang dialysis machines sa Marilao Dialysis Center, at marami pang programa at proyekto na isasagawa sa kaniyang termino.

 

Bago pa man naging punong bayan ay nanungkulan muna si Mayor Ricky bilang punong barangay sa Patubig ng 16 taon na kung saan kinilala ang kaniyang barangay bilang pinaka-huwaran sa lalawigan ng Bulacan. 

 

Ang buhay at mga pangarap ni Mayor Ricky kung paano siya nagsimula kung ano na ang kaniyang mga nagawa, at kung hanggang saan, ang kaniyang inaadhika na Ramdam na Serbisyo para sa Marilenyo, Isang Bagong Umagang may Bagong Pag-asa.